Tumitibok na naman ang puso ko Sumasabay na naman sa ritmo ng isang pag-ibig. Sa lahat ng parte sa pag-ibig, eto yung gustong gusto ko Yung bawat galaw ko kitang kita ang ngiti sa mga mata. Animo'y baliw na baliw Hindi mapakali, wala namang salitang binabanggit pero ang kilig ay abot langit. Parang batang nabigyan ng isang laruan na matagal ng hinihiling. Heto na naman ako baliw sa pag-ibig. Pero eto din ang nakakatakot na parte sa pag-ibig para sa 'kin. Walang kasiguraduhan Tamang masaya kayo pero ang tanong Mahal kaba n'ya? Dito ako nalilinlang ng pag-ibigKung minsan sa gantong parte din ako nasasaktan. Nasusugatan. At kung minsan eto ang mahirap kalimutan. Masasandalan mo s'ya pero hindi mo pwedeng sabihin sa kan'ya na s'ya ang dahilan ng pagluha mo. Dahil hindi ka sigurado Kung papakinggan pa n'ya ang 'yong kwento kapag nalaman n'yang, s'ya na pala ang ginagawa mong bida sa sarili mong libro.

Comments

Popular posts from this blog

Nang-iwan ka nang walang paalam. Walang pasabi. Hindi mo man lang ako ginising. ’Yon na pala ang permanente mong paglisan. Wala akong kaalam-alam. Naisip mo ba kahit isang beses lang kung kakayanin kong maiwan? Ni minsan ba naisip mo akong ipaglaban bago ka lumisan? Hindi ko alam kung ano pa ang dapat kong maramdaman kung lahat ng pinakamasaya sa nakaraan ay nabura na sa kasalukuyan.  Siguro ay sinadya mong hindi magpaalam para hindi ako mas masaktan, pero Mahal, hindi ganito ang pinangarap kong walang hanggan. Hindi ganito ang pinangarap nating kasiguraduhan. Mahal, masyadong masakit at parang hindi ko kakayanin ang malunod dito nang paulit-ulit. Sa sobrang sakit, nakaukit na sa akin na baka nga hindi mo ako kayang piliin hanggang huli. Baka pansamantala lang talaga ang mga nakahaing pananatili, at ang dating kaligayahan ay hindi na abot-langit. Minsan kong sinisi si Bathala ang ang tadhana. Bakit ganito kasakit ang umibig? Bakit ginawang requirement sa pag-ibig ang makaranas ng sakit? Bakit hindi permanente ang tamis? Bakit mo kailangang umalis kung totoong minahal mo ako nang labis? Paano mo ako nagawang mahalin at iwanan ng maraming “bakit”?  Mahal, bakit?

No’ng gabing ‘yon, tumaas ang boses mo kaysa karaniwan. Hindi ko mabaybay bawat salitang kumakawala. Hindi ko alam kung ako ba talaga ang nagkulang sa pang-unawa, o dinapuan ka na lang ng pagkasawa. Marami naman na tayong dinaanang ganito. May simple lang—‘yung pabirong away dahil nasabi kong mas pipiliin ko ang isang milyon kaysa sa’yo. ‘Yung saktong inis at tampo dahil nalimutan mo na namang allergic ako sa hipon at alimango. At ‘yung mga away na nagagamot naman ng haplos, ng titig, ng bulong at panunuyo. Maraming away na tayong nalagpasan, pero iba ata ‘yung gabing iyon. Malala. Madiin ang mga salita. Hindi kita makilala. No’ng gabing ‘yon, iginapos mo ang pasensya’t binusalan ang pagpapakumbaba. Hinayaan mong bumuhos ang luha, hinayaan mong humikbi ang pag-asa. Sumuko ka. No’ng gabing ‘yon, nakatayo lang tayo sa iisang kuwarto. Kinailangan mong sumigaw kahit ilang dipa lang ang agwat ko sa’yo. Doon ko napagtanto—marahil—magkalapit nga tayo, pero malayo na ang ‘yong puso.