Skip to main content
Nang-iwan ka nang walang paalam. Walang pasabi. Hindi mo man lang ako ginising. ’Yon na pala ang permanente mong paglisan. Wala akong kaalam-alam. Naisip mo ba kahit isang beses lang kung kakayanin kong maiwan? Ni minsan ba naisip mo akong ipaglaban bago ka lumisan? Hindi ko alam kung ano pa ang dapat kong maramdaman kung lahat ng pinakamasaya sa nakaraan ay nabura na sa kasalukuyan. Siguro ay sinadya mong hindi magpaalam para hindi ako mas masaktan, pero Mahal, hindi ganito ang pinangarap kong walang hanggan. Hindi ganito ang pinangarap nating kasiguraduhan. Mahal, masyadong masakit at parang hindi ko kakayanin ang malunod dito nang paulit-ulit. Sa sobrang sakit, nakaukit na sa akin na baka nga hindi mo ako kayang piliin hanggang huli. Baka pansamantala lang talaga ang mga nakahaing pananatili, at ang dating kaligayahan ay hindi na abot-langit. Minsan kong sinisi si Bathala ang ang tadhana. Bakit ganito kasakit ang umibig? Bakit ginawang requirement sa pag-ibig ang makaranas ng sakit? Bakit hindi permanente ang tamis? Bakit mo kailangang umalis kung totoong minahal mo ako nang labis? Paano mo ako nagawang mahalin at iwanan ng maraming “bakit”? Mahal, bakit?
Popular posts from this blog
Comments
Post a Comment