Skip to main content
Matagal na iyon. Tanggap ko na. Naipagpatuloy ko na ang buhay ko na noon ay huminto nang lumisan ka at naiwan akong luhaan. Masaya na ako ngayon; buo, mas matapang, mas makulay at higit na malawak na ang mundo ko. Hindi na rin nagdurugo ang puso—ngunit aaminin ko, may puwang ka pa rin sa isang sulok nito. Lahat ng sugat ay pinaghihilom ng pagtanggap at ng panahon ngunit may mga alaala palang hindi mabubura—katulad mo.
Popular posts from this blog
Comments
Post a Comment