Skip to main content
Nung gabing umalis ka, hinintay kita— kasi sabi mo babalik ka. Inaliw ko muna ang sarili sa pakikinig ng musika. Pinanood ko muna ang mga taong dumaraan sa kalsada. Nagtatawanan. Yakap yakap nila ang sisidlan ng kasiyahan. Samantalang tangan tangan ko naman ang pag-asang babalikan mo 'ko— kung saan mo 'ko iniwan. Nang bumisita ang dilim. Ipinikit ang mga mata't pinakawalan ang buntong hiningang malalim. Hindi na dapat ako nag-hintay. Dapat pala umuwi na lang ako sa bahay. Dahil habang hinihintay kita, nakauwi ka na pala— nakauwi ka na sa iba.
Popular posts from this blog
Comments
Post a Comment