Skip to main content
aaminin ko, isa ito sa mga hinahangad ko. kahit sabihin kong masaya ako para sa inyo, kahit alam kong suportado kita sa mga gusto mo. aaminin ko na sa likod ng mga ngiting kaya kong ibigay, may mga luha ng panghihinayang kung bakit hindi ako. kaya madalas, humihiling ako sa langit na baka - pwedeng ako naman ang bigyan. sa akin ka naman. pangako, hindi kita bibiguin. pangako hindi ako magkukulang. hindi kita sasaktan. oo, hindi kita sasaktan kahit hangad kong masaktan ka niya. pasensya na. ito lang kasi ang alam kong paraan para mangyari tayong dalawa.
Popular posts from this blog
Comments
Post a Comment